2013 na

•February 26, 2013 • Leave a Comment

Ano na? Ano na? Ano na? At saan na napunta ang halos limang taon, teh? Humaygahd.

Advertisements

2008

•December 22, 2008 • Leave a Comment

Tumingin ako sa salamin ng kotseng naka-parada at di ko makilala ang sarili ko. Di ko maipinta ang dati kong mukha, ang dati kong anyo, at ang dati kong mundong ginagalawan. Di ko maalala ang pangalan ng kalyeng dinaanan. Kung kaya’t huminto at lumingon-lingon sa paligid. Umupo sa tabi, doon sa madilim na waiting shed, at pinanood ang mga dumadaang tricycleta na pawang lahat me di-numerong destinasyon. Napa-isip kung lasing, ngunit nung sinubukan lakarin ang guhit sa kalye ay diretso pa rin naman. Napa-isip ulit at sinubukang maalala kung saan ko kaya naitapon ang sarili ko na alam kong di naman sadya ngunit paminsan-minsan ay di siguro maiwasang nangyayari talaga.

Umatras ako sa lakad ko, binalikan ang mga nadaanang tambay sa kanto. Sa phonebooth labas ng mini-stop, ninais tawagan ang mga kaibigan ko, kaso walang barya sa bulsa.  Ang mga waitress ng Pork Barrel at Barko walang nakitang ni anino ng sarili ko. Sa tuktok ng isang bundok sinubukan kong hagilapin bago dumilim. Sumisid ako sa kalaliman ng dagat ngunit wala pa rin.

At nung napagod ako sa kakahanap, huminto ulit ako. At inumpisahan magbuo ng bago.

Rage.

•September 21, 2008 • Leave a Comment

May bago akong jowa. Helloooooooo Zack!

at least

•September 15, 2008 • Leave a Comment
The hardest thing I've ever done is keep believing
There's someone in this crazy world for me
The way that people come and go through temporary lives
My chance could come and I might never know

I used to say "No promises, let's keep it simple"
But freedom only helps you say goodbye
It took a while for me to learn that nothing comes for free
The price I paid is high enough for me

I know I need to be in love
I know I've wasted too much time 
I know I ask perfection of a quite imperfect world
And fool enough to think that's what I'll find

So here I am with pockets full of good intentions
But none of them will comfort me tonight
I'm wide awake at 4 a.m. without a friend in sight
I'm hanging on a hope but I'm all right

- The Carpenters, I know I need to be in love

At least alam ko na it's all been sung before. Whatever comfort that might bring.

hapi bertdey

•September 13, 2008 • Leave a Comment

Bukas pa.
Aalis na dapat ako.
Magsasara na.
Kaso naalala ko..
Isang maligayang kaarawan, kung nasan at kamusta ka man.

pagoda the lola

•September 13, 2008 • 2 Comments

Nakakapagod mag-isip ng mga kung anu-ano.

Pag-iisipan pa kung tama ba ang ginagawa mo, kung may pupuntahan ba to, kung may pupuntahan ka ba, kung paano na ang mundo at paano ka na at paano na yung mga taong di mo maalis sa iyong gunita. at kung kamusta na sila lahat. kamusta na pamilya mo, kamusta na mga kapatid mo, kamusta na ang mga pusa sa bahay at yung asong di mo man lang maalala ang pangalan.

Nakakapagod balikan ang bawat galaw mo sa araw, sa buwan, sa taon, at sa buong buhay na tila walang hangganan. Nakakapagod pag-isipan ang mga moro at kristiyano, ang mga magsasaka, mga manggagawa, mga bata, mga bilanggo, mga me sakit, at ang mga tarantado. Nakakapagod maghabol ng mga taong busy. Nakakapagod humingi ng dispensa sa mga taong wala ka namang kasalanan. Nakakapagod masigawan. Pero nakakapagod din paghingan ng tulong. Nakakapagod din ang kaka-attack na kunwari alam mo ginagawa mo pero bluff lang pala pero sige attack. Nakakapagod magpadala sa lakas ng loob. Nakakapagod pag-isipan na wala ka pang karapatan mapagod.

Nakakapagod maghintay ng text. Nakakapagod pag-isipan kung sila ba o hindi, kung pwede kaya, kung magagalit ba si ano, kung bakit nga ba ganun ang nangyari. Nakakapagod balikan ang mga nangyari na. At mas lalong nakakapagod pag-isipan ang mga bagay-bagay na ayaw mangyari.

Nakakapagod pag-isipan kung bakit nga ba natin pinapahirapan ang mga sarili natin.

Nakakapagod pag-isipan kung sino ang tama at sino ang mali, kung sino ang totoo at sino ang peke. nakakapagod pag-isipan ang mga motibo, teorya, at agenda ng bawat tao. Saang mundo sya gumagalaw? Saan nanggagaling ang mga pinagsasabi nya? Bakit sila magkagalit? Pwede ko bang kausapin si ganito at ganyan? Nakakapagod mag-tinikling.

Maglalasing na lang ako. Ibababad ko sa alkohol ang utak at bituka ko, at ng makaranas naman ng konting katahimikan. Nakakapagod mag-isip.

Para sa isip at puso kong tila radyo sa kaka-dakdak, “shaddafakkup mehn!”.

Icing on the Cake / “Game”

•August 25, 2008 • 6 Comments

**this post was begun back in march. ngayong bumabalik na naman ako dito, naisipan kong balikan ulit sya..at tapusin na, kagaya ng maraming mga ibang bagay na di matapos-tapos..while writing, umiba yung tema from what I had been meaning to write 5 months ago.. umiba na kasi yung mundo**

In between buckets of beer courtesy of Adriatico’s, a male friend was berating me for jumping too soon. This was, of course, one of those conversations that are permitted only after a certain amount of booze has been properly consumed.

“Everything else that follows is just icing on the cake.”

Within the same week another male friend (who had absolutely no ascendancy to berate me) affirmed that friend’s advise. Its what the chick mags have always said.. You need to make yourself “worth working for..”

wow. what a concept. punyeta.

Ang hirap naman bilhin ng concept na yun. But the lessons sink in with every fall, every casual interaction, every inch of distance that has expanded very subtly with time. Use your head. Don’t jump. Don’t reply. Let him wait. Make him work it. Don’t be eager. Keep your distance. Leave before dawn breaks. Leave quietly. No answer is your answer.

Don’t go believing in what you want to believe. Know what you need to know.

Play your cards well, and play to win.

Burn the bridge before you burn yourself.

The list goes on and on. Siguro pwede na akong sumulat ng libro. I have learned the art of cool. Of casual acquaintances and safe maneuvers. Of four pills after twelve hours. Of keeping yourself and your text messages in check. Of passing by familiar cubicles with nary a second glance, just a quick nod of the head to confirm that everything’s cool. Of sitting calmly at the edge of a mat as though your hands are not itching to pull him away from that girl’s apparent intentions.

If there is one thing I hope to unlearn before it all ends for me, beyond drinking like mad, beyond smoking non-stop, I would choose to unlearn this game.