pagoda the lola

Nakakapagod mag-isip ng mga kung anu-ano.

Pag-iisipan pa kung tama ba ang ginagawa mo, kung may pupuntahan ba to, kung may pupuntahan ka ba, kung paano na ang mundo at paano ka na at paano na yung mga taong di mo maalis sa iyong gunita. at kung kamusta na sila lahat. kamusta na pamilya mo, kamusta na mga kapatid mo, kamusta na ang mga pusa sa bahay at yung asong di mo man lang maalala ang pangalan.

Nakakapagod balikan ang bawat galaw mo sa araw, sa buwan, sa taon, at sa buong buhay na tila walang hangganan. Nakakapagod pag-isipan ang mga moro at kristiyano, ang mga magsasaka, mga manggagawa, mga bata, mga bilanggo, mga me sakit, at ang mga tarantado. Nakakapagod maghabol ng mga taong busy. Nakakapagod humingi ng dispensa sa mga taong wala ka namang kasalanan. Nakakapagod masigawan. Pero nakakapagod din paghingan ng tulong. Nakakapagod din ang kaka-attack na kunwari alam mo ginagawa mo pero bluff lang pala pero sige attack. Nakakapagod magpadala sa lakas ng loob. Nakakapagod pag-isipan na wala ka pang karapatan mapagod.

Nakakapagod maghintay ng text. Nakakapagod pag-isipan kung sila ba o hindi, kung pwede kaya, kung magagalit ba si ano, kung bakit nga ba ganun ang nangyari. Nakakapagod balikan ang mga nangyari na. At mas lalong nakakapagod pag-isipan ang mga bagay-bagay na ayaw mangyari.

Nakakapagod pag-isipan kung bakit nga ba natin pinapahirapan ang mga sarili natin.

Nakakapagod pag-isipan kung sino ang tama at sino ang mali, kung sino ang totoo at sino ang peke. nakakapagod pag-isipan ang mga motibo, teorya, at agenda ng bawat tao. Saang mundo sya gumagalaw? Saan nanggagaling ang mga pinagsasabi nya? Bakit sila magkagalit? Pwede ko bang kausapin si ganito at ganyan? Nakakapagod mag-tinikling.

Maglalasing na lang ako. Ibababad ko sa alkohol ang utak at bituka ko, at ng makaranas naman ng konting katahimikan. Nakakapagod mag-isip.

Para sa isip at puso kong tila radyo sa kaka-dakdak, “shaddafakkup mehn!”.

Advertisements

~ by medianne on September 13, 2008.

2 Responses to “pagoda the lola”

  1. anak ng powtek… napagod ako sa pagbasa ng post mo. happy birthday na nga lang. hehehe 🙂

  2. pamasahe ka. Duh.
    hehe

    one day, pag rich and famous ka na, gumanti ka. Pahirapan mo rin sila lahat. Isisi mo lahat sa ibang tao. Utos utos ka lng. Tapos paantayin mo sila sayo. Sayaw kayo lahat, sayaw. Ganun.

    at nakakapagod talga magantay ng text kaya i-text mo na lang.=)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: