2008

Tumingin ako sa salamin ng kotseng naka-parada at di ko makilala ang sarili ko. Di ko maipinta ang dati kong mukha, ang dati kong anyo, at ang dati kong mundong ginagalawan. Di ko maalala ang pangalan ng kalyeng dinaanan. Kung kaya’t huminto at lumingon-lingon sa paligid. Umupo sa tabi, doon sa madilim na waiting shed, at pinanood ang mga dumadaang tricycleta na pawang lahat me di-numerong destinasyon. Napa-isip kung lasing, ngunit nung sinubukan lakarin ang guhit sa kalye ay diretso pa rin naman. Napa-isip ulit at sinubukang maalala kung saan ko kaya naitapon ang sarili ko na alam kong di naman sadya ngunit paminsan-minsan ay di siguro maiwasang nangyayari talaga.

Umatras ako sa lakad ko, binalikan ang mga nadaanang tambay sa kanto. Sa phonebooth labas ng mini-stop, ninais tawagan ang mga kaibigan ko, kaso walang barya sa bulsa.  Ang mga waitress ng Pork Barrel at Barko walang nakitang ni anino ng sarili ko. Sa tuktok ng isang bundok sinubukan kong hagilapin bago dumilim. Sumisid ako sa kalaliman ng dagat ngunit wala pa rin.

At nung napagod ako sa kakahanap, huminto ulit ako. At inumpisahan magbuo ng bago.

Advertisements

~ by medianne on December 22, 2008.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: